Exalt: “I Worship You”
Empower: Exodus 19:11-12; 24:9-17; 32:10,32; 33:11-13; 34:6-7
Exodus 15:11; Psalm 86:8-11
Enjoying Intimacy with God
Ngayong 2024, layunin ng CFSM na ma-enjoy ng bawat isa sa atin ang lumalagong kaugnayan natin sa Diyos. Ito ang pinakamahalagang kaugnayan na mayroon tayo na dapat bigyan ng kaukulang atensyon o focus upang lubusan nating maranasan ang Diyos (kung sino Siya) sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
Kung gaano tayo kalapit sa Kanya (the level or degree of our intimacy with God) ang magsasabi kung paano o hanggang saan din natin Siya mararanasan sa ating buhay. Lahat tayo marahil ay nagnanasa na maging malapit (intimate) ang ating kaugnayan sa Diyos. Gusto natin Siyang maranasan… uhaw tayo sa Kanyang Presensya… ang ating puso ay nag-aalab na makapiling at makaulayaw natin Siya… makausap katulad ng pakikipag-usap ni Moses sa Kanya – harap-harapan katulad ng sa magkaibigan. All of us, as children of God, have the privilege to have an intimate fellowship with God (to be in the inner circle), and enjoy that intimacy. Ngunit may mga bagay sa ating kaisipan na humahadlang (e.g. doubt, unbelief, wrong perception of God, needs of life or things of the world) upang hindi natin magawa ito. Sometimes, it’s our own choosing; we go for a less demanding Christian living. Kaya, ang solusyon dito ay makilala ng malaliman kung sino ang Diyos (His nature and character). Makikita natin mula sa Salita ng Diyos na tunay ngang walang katulad ang Diyos… walang nakahihigit at walang maipapantay sa Kanya. Exodus 15:11 – “Who is like unto Thee Oh Lord?...” O PANGINOON, sino po ba ang dios na katulad nʼyo? Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan. Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay! ABTAG2001
All relationships (ex. friendship) start with getting to know the person. Nagiging malapit ka sa isang tao habang nakikilala mo siya ng personal at sa patuloy ninyong pagsasama (bonding or fellowship), mas lumalalim ang inyong ugnayan, up to the point na pinagkakatiwalaan mo na siya at nasasabihan ng mga sikreto.Ganoon din sa Diyos; maaari tayong maging malapit sa Kanya because God is a Person. He feels, thinks, loves, enjoys, desires as any other person may. Kaya’t nauunawaan Niya kung ano ang ating nararamdaman, including our deepest desires and secrets. Maaari tayong makipag-usap sa Kanya ng harap-harapan sa pamamagitan ng ating espiritu; spirit to Spirit.
Tandaan, na ang Presensya ng Diyos ay nasa ating mga buhay; hindi Niya tayo iniiwan; lagi nating Siyang kasama. But sometimes, His Presence is being ignored. God wants to be involved in our everyday lives, with our consent (or cooperation), dahil gusto Niya na maranasan natin ang uri ng buhay na Kanyang ibinigay at ipinangako sa atin (an abundant life). Kaya’t isama natin Siya (be conscious/aware of His Presence) sa anumang ating ginagawa at sa mga mithiin o balakin sa buhay; apart from Him we can do nothing. Each of us should have revelation knowledge of the truth (i.e. God’s nature and character) from the Holy Spirit, to prompt our faith to proclaim what we believe is true. Maaaring marami kang alam patungkol sa Diyos bunga ng iyong pag-aaral sa Salita ng Diyos (e.g. that He is powerful, mighty, loving, gracious, faithful, good, etc.); subalit, maaaring hindi mo maipatotoo o maihayag ito sa mga tao (with boldness or confidence) dahil ikaw mismo hindi lubos ang pagtitiwala mo kung sino Siya,dahilan kaya’t hindi mo Siya lubusang nararanasan.
Nasa atin ang kaningningan ng Diyos! Let God’s glory shine through us! Hindi lamang nasain kundi maging intensyon natin ngayong 2024 na lalo pa tayong mapalapit sa Diyos, ma-enjoy at maranasan natin Siya habang ipinapakilala Niya ang Kanyang sarili sa bawat isa sa atin. Purihin ang Diyos magpakailanman!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Kung i-a-assess mo ang lebel ng kaugnayan mo sa Diyos (degree of intimacy) batay sa sa mga grupo sa panahon ni Moses, saan ka nabibilang? Doon sa nakararami (crowd or outer circle)? Seventyfour (second circle)? The two: Moses and Joshua (third circle)? Or The One: Moses (inner circle)? [Tandaan: ang Diyos ay malapit sa atin. There is no question about that; but only us could determine the level of our intimacy with Him.]